Tuesday, November 16, 2010

2nd life.

sarap ng tulog ko. kaya ang ganda ng gising ko ngayon araw na to.
habang akoy nakaupo sa aking kama at nag mumuni muni iniisip
kung anu ang aking mga dapat gawin sa araw na ito. akoy tumayo
sa kama na aking kinauupuan tumungo ako sa kusina tinignan ko
kung ano ang almusal. (wow feeling mayaman!)at akoy nagulat kasi
isang pritong itlog at dalawang pirasong tuyo na sunog ang pagkakaluto.
akala ko eh inihaw na calamares ngayon pala sunog ng tuyo lang! hindi
na ako nag almusal kasi ayaw ko ang breakfast. (nag iinarte ang lola nyo
kaya walang kokontra!) sabi ko sa work nalang ako mag aalmusal atleast
libre ang coffee dun hehe!. ayun naligo ako at nagbihis. Nang akoy pasakay
na nang dyip! aba natuwa ako kasi ang bilis magpatakbo ni manong driver
kasi hindi ako mahuhuli sa aking trabaho (lagi kasi ako late eh!) lol.
habang nasa highway kami patungong tol gate eh mega diretso si manong
driver binangga ang tol barrier hindi na kumuha ng ticket! sigawan ang mga
nakasakay na kasama kong pasaheros na papasok din sa trabaho. pano ba
naman di sila sisigaw eh wala na pala preno ang dyip na sinasakyan namin!!!
tinanong ko ang katabi ko "ate napano ba" ayun ang taray ng sagot ni ate
" our jeepney is on trouble" wow! english!!! malamang sa call center nagtatrabaho
ang hitad!!! kung makapag english eh kulang nalang kainin ako ng buhay!!!
yung isang kasama namin matanda eh tinawag na yata lahat ng santo at santa
para kami mailigtas. ako naman ang ginawa ko eh tinext ko ang bosing ko na baka
malate ako sa pagpasok. reply nya saken "Y?" at reply agad ako kahit na umaandar
parin ang dyip na sinasakyan namin na wala parin preno. sabi ko "kasi nawalan po
preno ang sinisakyan ko" aba reply ng adik "Kumita na yan! ibang dahilan naman pwede?"
ako na nga ang nasa panganib ayaw pa maniwala ng adik!!! palibhasa sanay na sila
sa palaging late ko!!! ayun walang choice si manong driver kundi ibangga ang dyip sa
puno total eh mabagal na ang takbo ng dyip.,. ayun hintay kami ng dyip na masasakyan
papuntang trabaho. sabi nung isa kay manong driver na tumawag nasa kasama nya at
magpadala ng dyip na masasakyan. at akoy nalurkey sa sagot ni manong driver! ang sabi
wala daw sya cellphone naiwan sa bahay! buti nalang eh may kakilalang kaibigan na driver
yung isa sa mga pasaheros na lagi ko nakakasabay sa dyip! name nya aaron! promise ang
gwapo nya! mahal ko na yata cya! lol.
(itutuloy)















No comments:

Post a Comment